Dagupan City – Nagbabala ang weather specialist ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o DOST-PAGASA sa lakas na banta ng bagyong Kristine sa bansa matapos itong makitaan ng posibilidad ng severe tropical storm.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Gener Quitlong, Weather Specialist ng DOST-PAGASA, base kasi sa forecast track ay aasahan na ito bukas ng hapon na maging ganap na severe tropical storm.

Nakikitaan din ito na mabilis na paglakas ng tubig kaya’t malaki ang tiyansa sa dala nitong mga malalakas na pag-ulan.

--Ads--

Bagama’t nasa ilalim ng radius ang lalawigan ng Pangasinan, hindi pa rin aniya nila inaalis ang posibilidad na maaring daanan din ang lalawigan ng mata ng bagyo dahil gumagalaw lamang ito sa buong eastern section ng northern Luzon.

Kung kaya’t maganda aniya ang maagang pagpapatupad ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 Emergency Operation Center sa pagtaas agad ng Blue Alert Status sa rehiyon uno. Dahil dito, agad namang in-activate ang Bravo Emergency Preparedness and Response Protocol.

Samantala, inaasahan naman ng aabot pa sa 3 hanggang 6 na bagyo ang darating sa bansa hanggang sa katapusan ng taong 2024 ngunit ito ay dadapo naman sa bahagi ng Visayas at Mindanao.