Iniimbestigahan na ng Estados Unidos ang na-leak na classified documents na naglalarawan sa assessment ng America sa plano ng Israel na pag-atake sa Iran.

Nakaraang linggo nang lumabas sa internet ang mga dokumento at ipinakita umano nito ang mga satellite imagery sa paggalaw ng Israel sa military assests ng paghahanda para sa pagtugon sa missile attack ng Iran noong Oktubre 1.

Ang mga top secret documents din ay ibinabahagi sa Five Eyes Intelligence Alliance ng US, Britain, Canada, New Zealand at Asutralia, at ang US partner ng isang kilalang media.

--Ads--

Ang dalawang dokumentong nailabas naman ay iniuugnay sa US National Geospatial Intelligence Agency at National Security Agency (NSA), at na-publish umano ito sa isang Iranian-aligned Telegram account noong biyernes.

Ang pag-leak ng mga ito ay ikinababahala ng isang pinakamataas na miyembro ng kongreso sa Estados Unidos.