Activated na ng Office of Civil Defense (OCD) kahapon ang “Charlie” Protocol o ang highest level ng emergency preparedness, sa 7 rehiyon dahil sa potensyal na epekto ng Tropical Depression Kristine.
Kabilang na sa mga ito ang Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Cordillera Administraive Region, at ang Eastern Visayas.
Habang, “Bravo” protocol naman ang itinaas sa ilang rehiyon kabilang na ang Ilocos Region at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nasa ilalim naman ng “Alpha” protocol ang mga low risk areas kabilang na ang National Capital Region (NCR), Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, at Caraga.
Samantala, sinabi ng OCD na may tinatayang bilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi babab sa 33-million katao na maaaring maapektuhan ng Tropical Depression Kristine.
Ito naman ang ika-11 bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayon taon.