DAGUPAN CITY- Hindi inaasahan ni Kent Brian Celeste, Atleta ng Virgen Milagrosa University Foundation Inc., ang maiuwi ang gintong medalya sa high jump competition ng kakatapos na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) Weekly Relay 2024.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, ang makasama sa atletang lalahok sa naturang kompetisyon ay malaking achievement na para sa kaniya lalo na’t nauwi niya ang gintong medalya.

Aniya, hindi nawala ang kaba nang sumalang na siya sa field dahil hindi maikakailang magagaling ang kaniyang mga nakatunggali.

--Ads--

Subalit, hindi aniya siya nagpatinag at naging buo ang kaniyang lakas at tiwala sa sarili.

Sinabi naman ni Celeste, susunod naman nilang paghahandaan ang Regional Private Schools Athletic Association (PRISAA) na gaganapin sa susunod na taon, 2025.

Nagpapasalamat naman siya sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya partikular na ang walang humpay na paggabay ng kaniyang coach, magulang, at mga kaibigan.

Samantala, magsisilbi ang patimpalak bilang qualifiers ng Sea Games 2025 at kinakailangan maabot ang bronze medal mark upang mapabilang kung saan 250 record para sa high jump.