Nagsagawa ng mas maraming air strike ang Israel sa Beirut at southern Lebanon, kabilang ang mga sangay ng isang bangko na sinasabi nitong sumusuporta sa Hezbollah.

Narinig ang mga pagsabog sa distrito ng Dahieh ng southern Beirut, isang lugar na kontrolado ng Hezbollah, gayundin sa Bekaa Valley at southern Lebanon.

Nauna nang binalaan ng militar ng Israel ang mga taong naninirahan sa mahigit 20 lugar sa Lebanon – kabilang ang 14 sa kabisera ng Beirut – na plano nitong magsagawa ng mga pag-atake.

--Ads--

Sinabi rin ng Israel Defense Forces (IDF) na ita-target nito ang mga bangko at iba pang imprastraktura na sumusuporta sa Hezbollah.

Sa isang pahayag noong Linggo ng gabi, nagbabala ang tagapagsalita ng IDF na si Rear Adm Daniel Hagari na ang sinumang matatagpuan malapit sa mga site na ginamit upang pondohan ang mga aktibidad ng terorismo ng Hezbollah ay dapat na agad na lumayo sa mga lokasyong ito.