DAGUPAN CITY – “Ang shock value ay napakalakas at napalaki.”

Yan ang ibinahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst kaugnay sa mga naging pahayag Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nakaraang press conference nito.

Aniya gaya ng marami ay nagulat din siya sa ganoong klaseng presscon kung saan lumalabas na talagang napakatindi ng galit ng bise presidente sa pangulo.

--Ads--

Dito rin ay ipinakita nito ang hindi karapat dapat na behavior ng isang public official lalo na sa katulad niyang isang mataas na opisyal.

Pagbabahagi pa nito na hindi maganda para sa kabataan ito, gayundin sa international reputation ng bansa.

Bagamat hindi maganda na ang mga lider ng bansa ay hindi nagkakasundo.

Bukod pa dito, aniya ay baka bahagi lamang ito ng political calculation o taktika ng bise presidente lalo na at nalalapit na ang eleksiyon.

Dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na ang Duterte at Marcos ay magkatunggaling political dynasties sa Pilipinas.

Dagdag pa niya na naglilikha lamang ito ng confusion and chaos imbes na ang bigyang pansin ay ang iba’t ibang isyu at problemang kinakaharap sa bansa.