Dagupan City – Nanindigan ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na walang epekto ang pagbaba ng taripa at pag-import sa presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay Engr. Rosendo So – Chairman ng samahan, ilang buwan na rin ang lumpas nang maipasa ang Executive Ordor No. 62 ngunit wala naman nangyayaring paggalaw ng presyo sa merkado.

Dagdag pa aniya ang sinasabing kung patuloy ang pag-aangkat ng bigas sa malaking bilang ay makakatulong ito para mapamura ang bigas sa merkado.

--Ads--

Kung saan noong Setyembre 26, nasa 4.19 Milyon MT na, Oktubre 3 na nasa 3.29 Milyon MT, Oktubre 10 na nasa 3.41 Milyon MT, at Oktubre 17 na nasa 3.57 Milyon MT.

Habang inaasahan pa na madaragdagan ito ng 4.2 Milyon MT hanggang sa katapusan ng taon 2024.

Ayon kay Engr. So, kung magpapatuloy na ang bibigyang insentibo ay ang mga importasyobn, paniguradong mas lalaki aniya ang datos na maitatala ng importasyon sa bansa.

Muli nitong binigyang diin na ibalik ang taripa sa mga magsasaka sa dating 30% upang makamit ang normalisasyon na suplay sa bansa.

Sa kasalukuyan, nasa P18 ang presyo ng fresh harvest habang nasa P21 naman ang dry palay.