Mga kabombo! Isang furbabies ang kinaaliwan ng mga nitizens online matapos na tumulong ito sa gawaing bahay ng kanilang furmom!
Ayon sa ulat, kinilala ang mga asong ito na sina Bonnie at Simba.
Kung saan nasungkit ng mga ito ang mga world record titles na: “Fastest time to complete 10 side leapfrog jumps by two dogs (16.78 seconds)”, “Most bottles deposited into a recycling bin by a dog in one minute (16 bottles)”, “Most coins deposited into a bottle by a dog in one minute (13 coins)”, at “Most clothes hung on a washing line by a dog in one minute (17 socks)”.
Dito ipinakita nina Bonnie at Simba ang kanilang talento tulad ng pagsasampay ng damit at paghuhulog ng barya sa bote!
Dahil dito, saludo naman ang mga nitizens sa kanilang furmom na si Olga Jones. Ayon kay Olga, challenging ang pag-train sa dalawa niyang aso pero ang pagtuturo sa mga ito na magsampay ng medyas ang pinakamahirap at inabot nang matagal na panahon. Dagdag pa nito, naturuan niya ang kanyang mga aso sa tulong ng maayos na communication, fun and mutual trust.
Hindi lang diyan, dahil nasa higit 200 tricks na ang kayang gawin sina Bonnie at Simba.
Dahil sa angking talino ng kanyang mga aso, nakapagtanghal na ang mga ito sa talent reality show na “Britain’s Got Talent” kung saan hinangaan ito ng mga celebrity judges na si Simon Cowell.