Sa kauna-unahang pagkakataon ay ilalabas na ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang website ang mga inihaing Certficiate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng mga tatakbo para sa 2025 Mid-term Elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ilalabas nila lahat ng mga kandidatura ng 44,000 at ang mga CONA na kakandidato sa Pilipinas upang maiging mabusisi ng mga botante.

Sa pamamaraang ito, makakatulong din aniya ang publiko upang tukuyin ang posibleng ma-disqualify na mga aplikante.

--Ads--

Hinihikayat naman ni Garcia ang publiko na pag-aralan mabuti ang bawat kandidato upang matiyak nila ang kanilang boto.