Nagsagawa ang Municipal Agriculture Office ng taunang Anti-Rabbies Vaccination bilang pagpapakita ng kahalagahan sa mga alagang aso sa bayan ng Sta. Barbara.

Kung saan layunin nitong masiguro na zero rabies o rabies free sakaling may insidenteng may makagat ng aso sa lugar.

Ang mga nabakunahang hayop ay karaniwang mas malusog at mas may kakayahang labanan ang mga sakit.

--Ads--

Nasa 230 mga aso at pusa naman ang nabakunahan sa isinagawang aktibidad na ito.

Sa pagbabakuna, nababawasan ang panganib ng pagkalat ng sakit sa ibang hayop at tao, na nakatutulong sa kalusugan ng komunidad.

Sa pamamagitan ng pagbabakuna mas makakamura pa ang mga pet owners kumpara sa gastos sa paggamot ng mga sakit.

Ito rin ay isa sa mga pangunahing responsibilidad ng mga pet owners para sa kanilang mga alaga.