Pinili ng mga senador ang senate blue ribbon committee para magsagawa ng imbestigasyon sa war on drugs ng Duterte administration ayon kay Senate President Chiz Escudero ngayong araw.
Sinabi ni Escudero na sinang-ayunan ito nina Senator Ronald “Bato” dela Rosa at Bong Go.
Hiniling nina Dela Rosa at Go sa Senado na magsagawa ng probe na gagawin parallel sa imbestigasyon ng House Quad Committee (QuadComm).
--Ads--
Pangungunahan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang subcommittee ng Committee on Accountability of Public Officers and Investigations (blue ribbon) dahil abala pa rin si Senator Pia Cayetano.
Napili ang blue ribbon committee na magsagawa ng probe dahil maaari itong magsagawa ng motu proprio investigation habang nasa recess ang Kongreso.