DAGUPAN CITY – Kinokonsidera ng AUTOPRO Pangasinan ang dagdag pasahe sakali mang hihirit pa ng panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Bernard Tuliao, Presidente ng nasabing grupo na hindi stable ang presyo ng krudo kung saan ito ay taas baba.
Subalit natutuwa naman aniya ito sa mga pagrelease ng fuel subsidy dahil malaking tulong ito sa mga drivers at operators.
Kamakailan lamang ay nakatanggap ang first batch mula sa LTFRB ng fuel subisdy kung saan P6,500 ang natanggap ng mga traditional jeepney drivers habang P10,500 naman para sa modernized jeepney.
Bagamat sunod sunod ang mga pagtaas noong mga nakaraang linggo.
Samantala, panawagan naman nito sa POSO Dagupan na abisuhan ng maaga para mapag-usapan ang problema lalo na sa rerouting upang makapag-suggest ng mga hakbangin at solusyon.