Hindi bababa sa 33 katao ang napatay habang 85 iba pa ang nasugatan sa mga pag-atake ng Israel sa Jabalia refugee camp sa hilagang Gaza.

Kabilang sa mga namatay ang mga bata, habang inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil ang ilan ay pinaniniwalaang natrap sa ilalim ng mga gumuhong gusali.

Matatandaan na dalawampung iba pa ang napatay sa magkahiwalay na pag-atake ng Israeli sa Jabalia noong Biyernes, habang hindi bababa sa 39 sa kabuuan ang napatay sa buong Gaza sa parehong araw, ayon sa health ministry ng bansa.

--Ads--

Hindi naman nagkomento ang Israel sa pinakabagong mga pag-atake nito.

Sinabi ng militar ng Israel na ang operasyon nito sa Jabalia ay layong pigilan ang mga mandirigma ng Hamas sa muling pagsasama-sama para sa higit pang mga pag-atake.