Dagupan City – Matagumpay na naisagawa ang Inauguration ceremony ng Julius K. Quiambao (JKQ) Medical & Wellness Center Inc. sa Bayambang. Kung saan dinaluhan ito ni First Lady Marie Louise “Liza” Marcos.

Ayon kay Dr. Cezar Quiambao, former mayor ng Bayambang, makasisiguro ang mga residente hindi lamang sa bayan kundi sa buong lalawigan na abot kaya ang halaga ng mga bayarin sa nasabing ospital. At binansgan pa niya itong “Lowest charging hospital in Pangasinan”.

Aniya, isa itong katuparan sa pangarap ng kaniyang namayapang anak na si Julius K. Quiambao na nakapangalan sa mismo sa nasabing ospital.

--Ads--

Binigyang diin pa nito na ang dating nag-uumapaw na lungkot sa kanilang puso dahil sa kaniyang pagkawala, ay napalitan ngayon ng saya at kagalakan dahil sa naisakatuparan na proyekto.

Bagama’t hindi aniya inaasahan na magiging posible, kumapit aniya sa hangarin ng panginoon sa kaniya na makapagbigay ng serbisyo sa kaniyang sariling nasasakupan.

Ang 6 storey health facility na Julius K.Quimbao Medical and Welness Center ay nasa 2 ektaryang lupain na mayroong 100 bed capacity at nasa level ng General Hospital Status.

Ito ay pinakabago at pina-comprehensibong healthcare facility sa Northern Luzon.

Samantala, nasa 250 highly train doctor at specialist, 350 support medical staffs, nurses, well trained healthcare specialist at hospital assistant ang magsaisilbi sa nasabing pasilidad.