DAGUPAN CITY – Magandang balita para sa mga magsasaka ang plano ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng mega cold storage sa bansa na makakatulong bilang imbakan ng mga produkto o mga ani ng ating mga magsasaka.

Ayon kay Mark Paul Rubio, Onion farmer in Bongabon, Nueva Ecija isa itong good news para sakanila lalo na sa kanilang lugar dahil kapag binabarat o hindi mabili ang kanilang mga aning sibuyas ay maaaring idala o iimbak sa cold storage facilties.

Subalit isa sa kanyang mga hinaing ay nagkakaroon aniya ng palakasan pagdating sa pagkuha ng slot sa mga nasabing imbakan sa kanilang lugar.

--Ads--

Kung saan ang mga middleman ang nag-ookupa ng mga slot sa storage facilties at pagdating sa kanilang mga ordinaryong magsasaka ay nagkakaubusan na ng pwesto kung minsan pa ay ginagawang na lamang bilang negosyo ng mga middleman ang pagkuha ng slot dahil kapag maglalabas na sila aniya ng slot ay mayroon ng patong o karagdagang bayad.

Dahil dito ay lubos naman silang naaapektuhan dahil lugi na nga sila sa pagtatanim ay pati ba naman sa pag-storage ay nagiging mas mataas na ang singil dahil sa middleman galing.

Kaugnay nito, sa halip na idala pa nila ang kanilang ani sa cold storage facilities ay napipilitan na lamang silang ibenta dahil pahirapan din naman sa pagkuha aniya ng slot.

Samantala, sa kanilang bayan ay may 2 storage facilities habang sa karatig bayan naman ay may apat subalit aniya ay hindi parin sapat ang mga ito.

Kaya’t ang planong pagpapatayo ng nasabing sektor ay inaasahang makatutulong sa kanila.

Hinihiling naman nito sa gobyerno na sa panahon ng anihan ng sibuyas ay itigil muna ang pag-aangkat at aniya ay laging bisitihan ang cold storage facilities sa bansa upang matiyak kung marami pang stock ng nasabing produkto.