Dagupan City – Inaasahan ngayong BERmonths ang posibleng pagtaaas ng presyo ng bangus sa syudad ng Dagupan.
Ayon kay Danila Cayabyab, Presidente ng Cosignacion-Magsaysay Dagupan, tuwing sumasapit kasi ang malamig na panahon, inaasahan na nila na maapektuhan ang produksyon, matapos ang posibleng “slow growth” ng mga ito.
Kung kaya’t maaring pumatak ang presyo nito sa P170 hanggang P180 kada kilo.
Sa kabilang banda, nananatili naman ang presyo ng isdang bangus sa syudad na sa kasalukuyan ay pumapatak pa rin sa P150 hanggang P160 kada kilo.
Hindi naman nangingialam aniya ang Department of Trade in Industry (DTI), sa price watch sa palengke, ngunit pagdating sa retail, ay hindi na nila pinipigilan pa ang pagtaas ng presyo ng mga bangus maliban na lamang kung ito ay mga frozen goods at mga perishable goods.