Dagupan City – Pinag-aagawan ngayon ng dalawang aspiring US Presidents na sina US Vice President Kamala Harris at former US President Donald Trump ang Swing states sa Amerika.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Gabriel Ortigoza, Bombo International News Correspondent sa USA, ang mga swing states na ito ay kinabibilangan ng Arizona, Georgia, Michigan, Pennsylvania, at Wisconsin.

Sa kabila nito, nanatili naman ang kapayapaan sa bansa matapos na nagsimula na ang mga in-person early voting sa 12 estado, gaya na lamang ng Montana, Wyoming, South Dakota, Minnesota, Nebraska, Illinois, Indiana, Ohio, Vermont, Virginia, Georgia, New Mexico, at Arizona.

--Ads--

Ipinaliwinag naman ni Ortigoza ang proseso ng botohan sa bansa. Aniya, gumagamit ang mga ito ng ordinaryong ballpen para i-shadea ng balota na ipinadala sa kanila, pagkatapos ay siyang ipapadala naman sa mga major states universities sa bansa.

Sa kasalukuyan, usap-usapan naman ang nangyaring asasinasyon kay Trump sa bansa, kung saan hinihinalang “acting” lamang umano ito matapos na hindi ipakita ang medical findings at sugat sa publiko.

Samantala, mistulang lamang naman ngayon aniya si Harris dahil mismong ang mga kilalang Republican na sina Former US President George W. Bush at Former US Vice President Dick Cheney ay sumusuporta sa kaniya.

Muli naman nitong binigyang diin ang mga nakabinbing kaso ni Trump at ang malinis na record ni Harris na siyang malakas na basehan kung sino aniya ang karapat-dapat mamuno sa bansa.