Nakatanggap na ng 246 petitions ang Commission on Elections (COMELEC) laban sa mga kandidatura ng mga indibidwal na nais tumakbo para sa local at national positions sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec spokesman John Rex Laudiangco, 104 petitions ang nagdedeklara ng nuisance candidates sa local positions, habang 24 naman ang para kanselahan o i-deny ang inihain na certificate of candidacies (COC).

Binanggit niya rin ang 1 nag-file ng petition para sa disqualification at ito ay kanilang kinukwestyon dahil na umaong in possession ng disqualififcation sa isang senatorial aspirant.

--Ads--

Dagdag pa niya na pipilitin ng dalawang dibisyon ng Comelec na tapusin lahat ng kaso ngayon buwan ng Oktubre o sa Nobyembre upang sa ma-finalize na ang mga listahan sa Disyembre at makaimprenta na ng balota.