DAGUPAN CITY- Natimbugan ang isang 43 anyos na lalaki sa syudad ng Dagupan sa isinagawang buy-bust operation ng PNP Dagupan at Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.

Ayon kay PLt.Col. Brendon Palisoc, Chief of Police ng Dagupan City PS, arestado ang suspek na kinilalang si alyas “Bongo”, residente ng Brgy. Bonuan Boquig sa naturang lungsod.

Sa operasyon, nakuha ng mga awtoridad ang 5 grams at dalawang pirasong heat-sealed na plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu kung saan itinatayang nasa mahigit kumulang 34, 000 pesos ang halaga. Kasama naman sa mga nakumpiska ang isang motorized tricycle, at mga perang ginamit sa operasyon.

--Ads--

Sa kasalukuyan, ang nahuling suspek at lahat ng nakuhang item ay nasa kustodiya ng Dagupan City Police Station upang isailalim sa kaukulang proseso.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act no.9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek kung saan walamg inirekomendang pag papiyansa o non bialable ang kaso.

Dagdag pa ni Palisoc patuloy naman ang pagsasagawa sa imbestigasyon dahil aniya posible umanong may mga kasama pa ang suspek sa naturang operasyon.

Sa kabilang banda, patuloy aniya ang kanilang operasyon kontra droga kung saan noong nakaraang taon ay nakapagtala sila ng maraming arestado sa kaparehas na kaso kaya’t tinitiyak nila ang kaligtasan ng komunidad at patuloy ang pagsusumikap ng Dagupan PNP para sugpuin ang kaso ng ilegal na droga sa lungsod.