DAGUPAN CITY- Isang fulfillment para kay Ruel De Guzman, Blood Galloner ng Dugong Bombo, ang makapagdonate ng kaniyang dugo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, taong 2012 nang mag-umpisa siya makiisa sa blood donation drive ng Bombo Radyo Philippines.
Kaniyang ibinahagi na bago pa ito ay nauna na siyang sumubok maagdonate ng dugo sa Philippine Red Cross subalit hindi ito natuloy dahil sa kakulangan ng timbang na kinakailangan para sa lalaki.
Dahil determinadong masubukan ang naturang aktibidad, matagumpay ang kaniyang pagsubok sa Dugong Bombo sa parehonh taon kung saan aniya, hindi siya nakaramdam ng hilo kundi saya sa pusong maibahagi ang kaniyang dugo.
Naging kasanayan na ni De Guzman ang taunang pakiki-isa sa Dugong Bombo at 12 taon na niya itong patuloy ginagawa.
Maliban sa Dugong Bombo, nakikiisa na rin siya sa iba pang blood donation drive activities partikular na sa aktibidad ng Red Cross at Region 1 Medical Center.
Labis na tuwa naman ang nararamdaman ni De Guzman tuwing muling nagbubukas ang Dugong Bombo dahil sa nakikitang komunidad na may pagnanais na makapagdonate din ng kanilang dugo.
Maliban kase sakaniya, nakikita niya rin ang iba’t ibang empleyado at propesyonal at maging simpleng mall goers na naroroon sa venue.
Bukod pa riyan, bakas sa saya ni De Guzman ang tuwang nakukuha sa tuwing nakakatulong siya sa mga nangangailangan ng dugo at napapanatili ang suplay ng mga dugo sa mga blood banks.
Napatunayan niya rin ang kahalagahan ng naturang aktibidad dahil may napaghugutan sila ng dugong kinakailangan noong na-ospital ang kaniyang ina.
Samantala, kaniyang paalala naman na huwag matakot magdonate ng dugo sa mga blood donation drive dahil tiyak na ligtas ito lalo na’t matagal nang ginagawa ng Philippine Red Cross ito at aniya, kakaiba rin ang ligayang mararamdaman sa tuwing matagumpay ang pagdodonate.