BOMBO DAGUPAN – Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ng California ang nangyaring aksidente sa daan sa north Wasco, California,USA kung saan bumanggang ang isang Ram pick-up sa isang kotse na naging sanhi ng pagkamatay ng tatlong katao.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Isidro Madamba Jr., Bombo International News Correspondent sa Amerika, inaalam pa ng mga awtoridad ang naging sanhi ng pag- beating-the-red-light umano ang isang Pick-up kung saan naging sanhi ng pagkabangga nito sa isang kotse, lulan ang dalawang pasahero at isang driver.
Dahil sa lakas ng impact ay nagpagulong-gulong din ang nasabing pick-up at lumapag sa bubong nito.
Matatandaang ayon sa ulat ay kabilang sa tatlong namatay ang isang Mexican cetizen, kasama rin sa mga nasawi ang isang taga-Pangasinan na siyang driver ng kotse at isa pang pasahero na residente ng Ilocos Norte.
Samantala, nagtamo naman ng sugat ang driver ng pcik-up at ngayo’y nasa naayos na kalagayan.