Dagupan City – Patuloy na isinasagawa ang Bakuna Eskwela 2024 sa lalawigan ng Pangasinan ng Pangasinan Provincial Health Office sa bawa’t paaralan.
Ayon kay Dr. Anna Ma. Teresa De Guzman, Provincial Health Officer ng PHO Pangasinan, ikinatutuwa nito na marami na rin ang mga magulang na nagiging mulat sa benepisyo ng mga bakuna tulad ng Measles, Rubella, Tetanus, Diphtheria, at Human Papilloma Virus (HPV) sa kalusugan ng kanilang mga anak.
Sa pamamagitan naman umano ito ng ginagawa ng mga school nurses sa bawa’t pampublikong paaralan na siyang nagpapaliwanag sa mga ito.
Layunin ng aktibidad na mas pinaigting pa ang pagbabakuna na naglalayong protektahan ang mga kabataan laban sa Tigdas, Rubella, Tetanus, Diphtheria, at HPV.
Kung saan sa target umano sa lalawigan ay nasa 149,482 at nasa 23.85% na ang nabakunahan o katumbas ng 11,500 students.
Binigyang diin naman ni Dr. De Guzman na ito ay libre, malayo sa presyo nito kung i-aavail sa private hospitals na nasa P3,500.
Aniya, isa itong oportunidad para bigyang proteksyon ang mga anak sa mga nasbaing sakit kung kaya’t ikinalulukungkot nito na may mga ilan pa ring nagdadalawang isip hinggil sa benepisyo at epekto nito sa mga mag-aaral gyaong ligtas at epektibo naman ito.