Pumanaw na si Liam Payne, dating miyembro ng sikat na boyband na One Direction, sa edad na 31.
Ayon sa ulat ng pulisya, nahulog si Payne mula sa ikatlong palapag kahapon (October 16, 2024) ng isang hotel sa Costa Rica Street, sa Palermo, ang pinakamalaking distrito sa Buenos Aires, Argentina.
Agad naman itong naisugod sa ospital, ngunit binawian rin ito ng buhay.
Ayon namabn kay Alberto Crescenti, head ng city’s SAME emergency medical service, na nagtamo si Liam ng malubhang tama na siyang nagresulta sa kaniyang pagpanaw.
Matatandaan na nakilala si Liam sa buong mundo bilang miyembro ng One Direction, kasama sina Niall Horan, Harry Styles, Louis Tomlinson, at Zayn Malik.
Ang English-Irish boy band na nabuo noong 2010 sa The X Factor kung saan ay isa sila sa pinaka-taniyag na grupo sa kasaysayan bago maghiatus noong 2016.
Taong 2017 naman nang sinimulan ni Liam ang kanyang solo career sa pamamagitan ng hit na kantang “Strip That Down.” Sumunod nito, nakipagtulungan siya kay Rita Ora noong 2018 para sa kantang “For You,” na naging bahagi ng soundtrack ng pelikulang Fifty Shades Freed.
Habang kamakailan lamang din nang inilabas niya ang kantang “Teardrops” noong Marso 1, 2024, na kanyang isinulat kasama ang miyembro ng NSYNC na si JC Chasez.