Nagawang madepensahan ng isang horticulture teacher sa Minnesota ang kaniyang titulo para ika-apat na taon niyang pagkampeon sa annual pumpkin-weighing contest sa Northern California.

Ikinawagi ni Travis Gienger ng Anoka, Minnesota ang 51st World Championship Pumpkin Weigh-Off sa Half Moon Bay, ng San Frnacisco nang makalamang ng 2.7 kilograms ang kaniyang pambatong kalabasa.

May bigat na 1,121 kilograms ang kaniyang kalabasa, gayunpaman, hindi nito nagawang lamangan ang world record na 1,247 kilograms.

--Ads--

Ibinahagi naman ni Gienger na nakatuon siya sa pagkakaroon ng malusog na lupa at inaalagaan nang mabuti ang kaniyang halaman subalit malaking epekto para sa kaniyang halaman ang naitalang record-breaking na tag-ulan sa kanilang lugar.

Samantala, 35 oras ang naging byahe nila upang dalhin ang kaniyang dambuhalang kalabasa patungong California.

Susunod naman itong dadalhin sa Souther California upang ukitan ito ng mga grupo ng profession carvers para sa Halloween event.