Ipinaliwanag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services o PAGASA Dagupan City ang pagkakaroon ng Hailstorm ngayong pabago-bago ang nararanasang panahon.
Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr. Ang Chief Meteorologist ng nasabing opisina na ang hailstorm ay nakadepende sa laki sa pamamagitan ng lakas ng condensation na nag-aabsorb na tubig sa pamamagitan ng init paitaas na bumubuo ng Cumulonimbus Clouds kaya nangyayari ito.
Nangangahulugan din ang pagbuo ng hailstorm kapag ang mga butil na tubig sa ulap ay naabot ang mataas na parte ng kalangitan kung saan masyadong malamig ang temperatura, kaya ito ay tumitigas at nahuhulog bilang mga butil na yelo.
Inaasahan aniya na sa pamamagitan ng nararanasang localized thunderstorm ay magkakaroon ang ilang portion sa Pangasinan o bansa ng ganitong sitwasyon maging ang banta ng buhawi.
Aniya na nasa maliliit lang ang size ng butil na yelo na maaring maranasan dito sa Pangasinan ngunit malaki ang dalang hazard ng hailstorm gaya na lamang sa epekto sa mga pananim, mga kabahayan na made of glass o mga sasakyan na nakaparada sa kalsada.
Sa kabilang banda, batay sa kanilang monitoring ay madalas umanong makakaranas ng localized thunderstorm kaya inaasahan na mayroon paring mga kalat-kalat na pag-uulan sa iba’t ibang parte sa lalawigan.
Nagpaalala naman ito sa mga tao na ugaliing mag-ingat lalo na sa banta ng kidlat dahil kasabay ng pag-ulan ay may dala itong kidlat.