Isang lalaking Indiano ang nagpakita ng kaniyang galing sa pagkumpuni at pagbuo ng isang bagay nang gumawa siya ng isang miniature washing machine.

Nakamit ni Sebin Saji ang Guinness World Record para sa titulong world’s smallest washing machine ang kaniyang ginawa ay mas maliit pa sa Tamagotchi digital pet. May laking 1.28 inches by 1.32 inches by 1.52 iches ang kaniyang washing machine.

Kinailangan naman itong gamitan ng special digital calipers upang masukat ang bigat at lumabas na mayroon lamang itong .88 ounces.

--Ads--

Upang makapasok sa record, kinakailangan ni Saji na mapatunayang functional ito. Nagawa naman nitong makagawa ng full cycle.