Pinaiimbestigahan ng Humanitarian Office ng United Nations (UN) ang paglunsad ng Israel ng air strike sa northern Lebanon na ikinasawi ng 23 katao.

Ikinabahala ni Spokesman Jeremy Laurence ang nasabing pag-atake sa isang Christian-majority village na Aitou para sa respetuhin ang international humanitarian law.

Aniya, 12 kababaihan at 2 bata ang kabilang sa mga nasawi sa pagpapasabog na nakasira naman sa isang residential building.

--Ads--

Patuloy pa ang pag-rescue sa mga labi na natabunan mula sa pagsabog.

Samantala, hindi pa naglalabas ng komento ang Israel Defense Forces (IDF) ukol dito.