DAGUPAN CITY – Tinatayang aabot sa 5 milyon MT ang aangkatin ng bansa na bigas tumaas ng isang milyon kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay Leonardo Montemayor Chairman, Federation of Free Farmers isang dahilan kung bakit lumubo ang rice imports nagyong taon ay dahil sa executive order no. 62 o ang pagbaba ng taripa ng imported rice mula 35% ngayon ay 15% na lamang.
Aniya na mas dumami ang gustong mag-angkat dahil narin sa mas maliit ang babayarang buwis ng mga ito.
Samantala, hindi naman otomatikong bababa ang presyo ng bigas dahil kung titignan simula noong maisabatas ito ay hindi naman gumalaw pababa ang presyo ng bigas sa merkado.
Batay naman sa ulat ng Bureau of Customs bumaba ang koleksiyon nila ng buwis mula sa imported na bigas dahil sa mababang taripa ay lumiit din ang kanilang nakolekta.
Dahil dito ay nawawalan na ng pondo ang nasabing ahensiya na siya sanang ibibay na tulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng makinarya, libreng binhi, pataba at iba pang mga ayuda.
Panawagan naman nito na kung patuloy na ganito ang mangyayari ay hihina ang loob ng mga magsasaka na magpatuloy na magtanim ng palay.
Dapat aniya na palakasin ng pamahalaan ang mga programa para sa mga magsasaka gaya na lamang ng drying facilities at pagdagdag ng mga irrigation facilities.