DAGUPAN CITY – Tinatayang nasa higit 500 milyon ang e-waste na nabuo sa bansa noong 2022 dahilan upang makasali ang Pilipinas sa nangungunang e-waste generator sa Asya.

Batay din sa inilabas na ulat na 13.8 bilyong kg lamang, o 22%, ng kabuuang 62 bilyong kg ng pandaigdigang e-waste ang sumailalim sa mga proseso ng pagre-recycle na mabuti sa kapaligiran.

Habang nasa humigit-kumulang 14 bilyong kg, o 23%, ang hinaluan ng mga natitirang basura na napunta sa mga landfill at ang natitirang higit sa kalahati ay napunta sa mga hindi kontrolado o impormal na mga kolektor at recycler.

--Ads--

Ayon kay Tony Dizon Campaigner, Ban Toxics na nakakalungkot na tayo ay mapabilang sa nasabing listahan kung saan aniya ay asahan na mas tataas pa ito sa mga darating pang panahon.

Ang e-waste o ang electronic at electrical waste ay nagtataglay ng mga nakakalason na kemikal tulad ng lead, mercury, cadmium, chromium, at brominated flame retardants, bukod sa iba pa.

Kung saan ang maling pamamahala ng e-waste ay nagreresulta sa paglabas ng mga kemikal na ito sa kapaligiran.

Ani Dizon nagiging dahilan kayat dumarami ang volume ng mga ganitong basura ay dahil narin sa hindi na makumpuni o hindi na maayos na electronic equipments kaya’t itinatapon na lamang.

Bagamat nasa special waste ang kategorya nito aniya ay mayroon itong hiwalay na collection o treatment na kailangang gawin.

Hindi gaya ng mga ordinaryong basura na maaaring gawing pataba sa lupa.

Kaugnay nito ay may mga pasilidad naman para sa mga ganitong basura subalit dahil sa kawalan ng wastong sistema ng pamamahala ng e-waste at limitadong kamalayan ng publiko ito ay isa pangunahing hamon sa bansa.

Panawagan naman nito na kung mayroon lamang magrerecycle ng mga kinokolektang metal mula sa mga e-waste ay mainam na magkaroon ng recycling facility para dito.