Dagupan City – Ipinaliwanag ng isang Physician mula sa City Health Office sa lungsod ng Dagupan ang sakit na Breast Cancer kaugnay sa pagdiriwang ng Breast Cancer Awareness Month.
Ayon kay Dr. Jamaica Caldona, mahalaga na mabigyan ng kaalaman ang publiko hinggil sa nasabing sakit.
Sa katunayan ay maigting na tinututukan ng Department of Health ang publiko upang maunawaan ang sakit na ito, gaya na lamang ng; epekto nito sa katawan ng isang tao, paano maagang malaman kung mayroon nga ba nito, at kung ano ang mga risk factor na nakakapag-ambag sa nasabing sakit.
Dito ipinaliwanag ni Caldona na ang pagkakaroon ng breast cancer ng isang indibidwal ay hindi nangangahulugan na may bukol agad sa nipples.
Isa naman sa hakbang na dapat tandaan aniya ng isang babae ay malaman kung ano ang pagbabago o kakaiba sa kaniya, gaya na lamang ng pagkakaroon ng swelling o pamamaga, kakaibang size ng mga ito, dimpling o wrinkling, paglabas ng kakaibang discharge o nana at nakakaramdam ng sakit kapag kinakapa ito.
Bukod naman sa kababaihan, maari rin aniyang madapuan ang mga kalalakihan.
Isa naman sa mga risk factor na maaring pagkakaroon nito ay ang Family History, obese patient, smoking o paninigarilyo, high exposure sa radiation, pasyente na walang anak na gumagamit ng contraceptive pills, at maagang nagkaroon ng menstruation.
Base sa datos sa kanilang opisina batay sa lahat ng uri ng sakit na cancer na ang ganitong sakit ay isa lamang sa dahilan ng nakapag-ambag ng mortality ng isang babae sa lungsod dahil noong 2022 ay nasa 52 na ang mga nasawi na kababaihan dahil sa kanser, 66 noong 2023 habang ngayong 2024 ay nasa 51 naman kung saan hindi pare-parehas ngunit kahit papano ay may pagbaba ito.
Kaugnay nito, patuloy naman ang kanilang isinasagawang programa lalo na sa pagtutok dito ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng libreng porgrama sa mga residente ng lunsgod. (Oliver Dacumos)