Dagupan City – Umalma ang Public Utility Jeepney Transport Corporation(PUJTC) Pangasinan Eastbound sa rerouting plan ng lungsod ng Dagupan nang walang abiso sa kanila.
Ayon kay Ben Mosada, Overall President, Public Utility Jeepney Transport Corporation (PUJTC) Pangasinan, higit 2 linggo na ang nakalilipas nang hindi sila papasukin ng mga POSO Dagupan sa loob ng lungsod.
Kung saan, bigla na lamang aniya silang pinara at naglagay ng barikada upang harangan at hindi na makapasok pa sa loob, higit pang nagdgdag sa kanila ng hinaing ay kung bakit ang mga Modernized Jeepney ay malayang pumasok at pumasada sa loob.
Dagdag pa nito, kung titignan kasi aniya ay mistulang hindi patas ang ginagawa ng POSO Dagupan sa rerouting bunsod ng on-going construction at trapiko dahil malaya namang nakakapasok ang mga traditional jeepney ng Malasiqui, Bayambang, Calasiao, Malasiqui, Santa Barbara at iba pa.
Hinala naman ng mga ito, maaring nakaapekto ang mga driver ng mga modernized jeepney upang pagbawalan sila dahil karamihan naman sa mga ito ay mula sa lungsod ng Dagupan.
Sa kabilang banda, ganoon na lamang din aniya ang kanilang hinaing dahil ang dating 38 biyahe na kanilang nagagawa noon ay malayo na sa bilang kung ikukumpara ngayon na aabot na lamang sa 5.
Malayo sa dati nilang kita, dagdag pa ang muling pagtaas ng presyo ng gasolina.
Luging-lugi aniya ang mga tsuper sa eastbound kung magpapatuloy ito lalo’t lumalabas na hindi naman patas ang ginagawa sa kanila gayong mas pinipili na lamang din mg mga pasahero na sumakay sa modernized jeepney na siyang malayang pumasok sa loob ng lungsod kung ikukumpara sa pwestong kanilang kinaroroonan.
Samantala, ayon naman sa kasamahan nito, kataka-taka ang ginagawa ng mga awtoridad dahil wala silang natanggap na may ganitong mangyayari at sinabihan pa silang hindi sila gagawa ng Local Public Transport Route Plan o LPTRP.
Nanindigan naman itong walang ginawang ordinansa na ginawa ang Lokal na pamahalaan ng Mapandan hinggil sa usaping LPTRP at ang ipinakita lamang sa kanila ay ang draft resolution nito.
Sa kabilang dako, ayon naman sa traditonal jeepney driver ng Manaoag to Dagupan na si Alfie Salvador, pahirapan nang makakuha ng pasahero at swertehan na lamang kung makakuha ng higit 3 pasahero kada biyahe.