Isa ka ba sa mga taong mahilig sa cookies?
Paano kung malaman mong makakatagpo ka ng isang cookies sa loon ng isang freezer ng iyong lola na matagal nang yumao?
Ito kasi ang nangyari kay Andy Wiseman mula sa Virginia, USA.
Ayon kay Andy, nakatanggap umano siya ng text message mula sa kanyang ina na si Linda, na siyang naglinis ng bahay ng yumaong lola.
Dito na nagtungo si Andy para tulungan ang kaniyang ina, at dito na natagpuan ang 84-year-old biscuit sa freezer ng ref ng kanyang lola. Natuklasan na ang biscuit na ito ay ginawa noon pang 1940.
Sa pagkamangha, agad na ipinost ito ni Andy sa social media, at agad namang umani ng samo’t saring reaksyon.
Gayunpaman, nananatiling malaking question mark para kay Andy kung sino ang gumawa sa biscuit na ngayon ay kasintigas na ng bato.
Sa lagayan ng biscuit ay may nakasaad na handwritten note na: “Biscuit made by Mrs. Dara L Chambers in August 1940 at the Blankenship home.”
Matapos ang paghahanap ay dito na nakilala ni Andy si Dara Chambers na siyang first wife ni Harold, na kapatid naman ng kanilang lola.
Lumabas naman sa impormasyon mula sa isang newspaper clipping kung saan nakasaad na namatay si Dara noong 1940—ang taon kung kailan din ginawa nito ang biscuit.
Malaki naman aniya ang naidulot ng natuklasang cookies sa kanilang pamilya sa pag-heal ng kanilang pamilya sa pagpanaw ng kaniyang lola.