Anong gagawin mo kung ang parcel mo ay surprise freebies? Pero ang freebies ay buhay at nakalalason na scorpion?

Ikinagulat na lamang ni Sofia Alonso-Mossinger ng United Kingdom nang may laman na scorpion ang binili niyang boots sa isang kilalang fast-fashion firm.

Aniya, inaakala niya lamang na isa itong laruan hanggang sa gumalaw ito.

--Ads--

Saad pa niya na hindi na nakakagulat kung isang gagamba ito ngunit hindi maitatangging nakakatakot na isa itong scorpion.

Humingi naman siya ng tulong sa kaniyang mga flatmates sa kanilang unibersidad. Nung una ay gusto nila itong patayin ngunit napagdesisyonan nilang hindi ito ang tamang gawin.

Inilapit nila ito sa mga eksperto ng National Center for Reptile Welfare (NCRW) at napag-alaman na isa itong Olivierus martensii specie o isang Chinese scorpion.

Ayon kay Chris Newman, nagtatrabaho sa NCRW, life-theatening para sa isang tao na makamandagan nito.

Samantala, humingi naman ng patawad ang pinagbilhan ni Alonso-Mossinger.