DAGUPAN CITY- Tiniyak ng Task Force Anti-Littering(TFAL) ang kanilang patuloy na paalala sa mga ambulant vendors sa tamang lugar ng kanilang pagpupwestuhan sa palengke sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Jong Serna, Head ng TFAL Dagupan, na tuwing umaga ay nagsasaagwa sila ng pag-iikot sa loob at labas ng palengke upang masiguro na walang mga ambulant vendors ang lumalabag sa kanilang panuntunan. Lalong Lalo na sa mga lugar na dinadaanan ng mga tao at hindi dapat ito pinupwetuhan upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Anya nagsasagawa rin sila ng paglilinis o clearing operation sa buong kakalsadahan sa lungsod simula Arellano, Galvan St., AB Fernandez at sa mga iba pang lugar na mayroong mga ambulant vendors

--Ads--

Ngunit anya na bago naman sila magsagawa ng clearing operation ay binibigyan paalala naman ang lahat ng mga ambulant vendors para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.

Bukod dito ay nakikipag-ugnayan din naman sila sa public order and safety office para sa pagsasaayos at pagapapnatili ng maayos na kakalsadahan sa syudad.

Sa kasalukuyan ay wala naming nakikitang mga problema ang mga ito sa mga nagbebenta, patuloy ang kanilang monitoring at nakikinig din ang mga ito.