Tuluyan nang umalis sa rising K-pop boy group na RIIZE si Seunghan.

Ito ay matapos inanunsiyo ng Wizard Production, ang talent management arm ng SM Entertainment na siyang humahawak sa karera ni Seunghan, nitong Linggo, October 13, 2024.

Ayon sa Wizard Production, si Seunghan mismo ang nagdesisyong umalis na nang tuluyan sa RIIZE, makaraan lamang ang dalawang araw matapos ianunsiyo ang pagbabalik niya sa grupo matapos mag-hiatus.

--Ads--

Bagamat marami ang naging masaya sa announcement na magbabalik na siya sa grupo, may ilan ding BRIIZE, tawag sa fandom ng RIIZE, ang mariing tinututulan ang pagbabalik ni Seunghan.

Bukod sa pagpu-post ng kanilang masidhing saloobin ay may mga nagpadala pa ng mga bulaklak ng patay sa mismong harap ng SM building upang ipaabot ang kanilang protesta.

Ang grupo ay binubuo ng anim, orihinal na pitong miyembrong boy group sa ilalim ng SM Entertainment na nabuo noong Setyembre 4, 2023