Dagupan City – Pinag-aaralan na ng Dagupan City Public Order and Safety Office ang pagkakaroon ng rerouting ng mga sasakyan sa parte ng Burgos Ext. sa Barangay Tapuac.

Ayon kay Rexon De Vera, Deputy Chief ng Dagupan City Public Order and Safety Office, itoy matapos na makita ang pagbagal ng daloy ng trapiko o ang bumper to bumper traffic sa lugar.

Isa naman sa nakikitang dahilan ng mga ito ay ang pag-umpisa ng klase. Ngunit tiniyak naman ng kanilang hanay na patuloy din ang kanilang pagmomonitor.

--Ads--

Katuwang naman ang Department of Public Works and Highways, patuloy nilang inaalam kung ano ang mga maaring alternatiba na pwede nilang gawin upang mapausad pa ang daloy ng trapiko sa kabila ng isinasagawang konstruksyon ng kakalsadahan sa syudad.

Binigyang linaw naman nito na ang trapiko sa bahagi ng Tapuac sa lungsod ay mistulang normal na.

Habang ang ginawang rerouting naman sa pampasadang jeepney na Mangaldan, Manaoag, Mapandan, at San Fabian ay mananatili pa rin hangga’t hindi pa nakikita ang pagluwag niti.

Nagpaalala naman ito sa mga motorista na dumadaan sa syudad na umantabay sa ibinibigay na traffic rerouting at pahabain muna ang pasensya dahil sa isinasagawang konstruksyon.