Mga kabombo! Mahilig ba kayong mag-milk tea?

Baka ito na nga ang “the one” para sa inyo? Bukod kasi sa milk tea ay may kasama pang noodles?

Perfect combination! Naging controversial kasi at nag-viral ang bagong dish ng isang Vietnamese restaurant, na kumbinasyon ng milk tea, tapioca pearls, thick noodles, at hiniwang cooked beef.

--Ads--

Ayon sa owner, inspired ang concept nito sa isang sikat na milk hot pot sa Taiwan.

Base naman sa ilang content creators, kakaiba ang dish na ito dahil isa itong bubble tea beef noodles, kung kaya’t agad nila itong sinubukan matapos na maging usap-usapan sa social media kung ano nga ba ang lasa nito.

Ang per serving nito ay nagkakahalaga ng P227.41.

Kung saan, may laman na itong mix of vegetable broth, black tea and fresh milk served with noodles, tapioca pearls, at ang signature corned beef ng restaurant.

Isinalarawan naman ng mga ito na ang lasa ng Bubble tea noodles ay bizarre.