Nakatanggap ng tulong pinansyal ang daan-daang residente mula sa limang bayan sa ika-anim na distrito ng Pangasinan sa ilalim ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng gobyerno.

Kinabibilangan ito ng mga vendors, solo parents, job orders, at minimum wage earners, kung saan nakatanggap sila ng tig-P3,000 mula sa programa.

Ang mga bayan na nabigyan ng tulong ay ang San Nicolas, Natividad, Tayug, San Quintin, at Umingan.

--Ads--

Naganap ang pamamahagi sa bayan ng San Nicolas, at naging maayos ito sa tulong at suporta ng lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo para sa tulong na kanilang natanggap.

Layunin ng AKAP na makapaghandog ng tulong sa mga Pilipino na itinuturing na minimum wage earners, mahihirap, near poor, at mga nasa informal economy.

Naglalayon din ang programa na mabawasan ang kahirapan at makatulong sa mga Pilipino na maabot ang kanilang mga pangarap at isang patunay na ang gobyerno ay nagmamalasakit sa kapakanan ng mga mamamayan nito.