DAGUPAN CITY – Isa sa sampung nangungunang pinakamadalas na sanhi ng sakit ay ang ischemia o iba pang mga heart diseases.

Ang ischemic heart disease ay maisasalarawan bilang problema sa pagdaloy ng dugo patungo sa mga heart tissues ng katawan.

Batay sa lumalabas na datos ay marami ang nagkakaroon ng ganitong kaso o karamdaman.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate pangunahin sa mga sintomas nito ay pagsakit o paninikip ng dibdib, pamumutla gayundin ang pagkahilo.

Aniya na sanhi nito ay ang kakulangan sa pagdaloy ng dugo sa mga heart tissues kung saan ang mga rason ay maaaring masikip ang daanan ng dugo, may nakabara o di naman kaya ay masyadong malapot ang dugo.

Kapag nagkaroon ng blood clot o namumuong dugo ay pwede itong magbara sa mga ugat ng puso, ito ay marahil din sa mataas na cholesterol sa loob ng dugo dahilan upang ito ay nagiging malapot.

Kayat kapag may naramdaman na chestpain saad niya na magpakonsulta agad sa doktor upang matukoy ang karamdaman.

Dito ay isinasagawa naman ang electrocardiogram (ECG o EKG para sa puso mismo) ay kinokonekta nito ang pasyente sa isang elecrical device para makita ang electrical activity ng puso.

Kung hindi naman maganda ang resulta ay maaaring may problema sa puso.

Paalala naman ni Dr. Glenn na magkaroon ng maintenance medication, pagbutihin ang lifestyle, pagdalas na pag-ehersisyo at kumain ng masusustansiyang mga pagkain.

Iwasan din ang pagkakaroon ng stress dahil kapag mayroon kang masayang puso ay magkakaroon ka din ng malusog na puso.