Napakahalaga ang Mental Health Awareness Month dahil nabibigyang halaga ang pagtalakay sa mental health.

Ayon kay Mark Denver Gatchalian, RPm, certified Mental Health First Aider, sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nakakatulong ang isang buwang pagsisilibra ng Mental Health Awareness upang mas mapaigting ang mga kaalaman sa pagtugon sa mga problema at matutukan ang mga isyu sa lipunan at sa kaisipan.

Paliwanag nito na ang mental health ay ang kakayahan ng isang tao na matugunan ang mga problema, makapagtrabaho ng maayos, at magawa ng maayos ang mga pangangailangan sa bawat araw.

--Ads--

Dito aniya naka angkla ang kabuoan ng pamumuhay.

May ibat ibang factors ang nakakaapekto sa mental health gaya ng pansariling mithiin o kagustuhan.

Aniya, kapag hindi naabot o nagawa ng isang tao ang mataas na gustong gawin sa buhay ay nagkakaroon ng negative implication sa sarili.

Gayundin kapag hindi naabot ang expectation ng iba ay maaring pagdudahan ang sarili hanggang sa humantong ito na sisihin ang sarilIng kakayahan.

Nakakaapekto rin ang trabaho kung nabibigyan ng maraming isipin ang isang tao.

Napag alaman na ang mental health illness ay puwedeng mamana sa mga magulang o maipasa ng mga ancestors mula sa genes.

Pero hindi madetect agad kapag bata pa kaya dapat makita muna ang mga senyales at sintomas bago masabi na abnomal ang behavior nito

Payo niya na upang maiwasan ang mental disorder ay marapat na sa murang edad pa lang ay kaya ng alagaan ang sariling kaisipan.