Dagupan City – Tinututukan ngayon ng Calasiao Public Market ang kasiguraduhan na walang makakapuslit na mga karne ng baboy na may kasong African Swine Fever.
Ayon kay Teddy Tuliao, Market Supervisor ng Calasiao Public Market, malaking tulong umano ang isinasagawa ng mga Meat Inspector sa palengke kung saan, tuwing umaga, araw-araw ay masusi nilang sinusuri ang mga karneng ibinebenta sa palengke.
Bukod pa riyan ay sinusiguro rin ng mga ito na may mga permit ang mga vendors, pinanghahawakang mga patunay o certificates na nagpapakitang ligtas ang mga karne ng baboy na kanilang ibinebenta.
Isa ito sa mga proseso upang masiguro na ang mga karne ay malinis at hindi nagdadala ng anumang sakit sa mga mamimili.
Sa kabila naman ng paghihigpit, bukas naman ang kasisipan ng mga vendors sa mga ganitong proseso dahil alam nila kung ano ang mga bawal. (Nerissa Ventura)