Mga kabombo! Ano ang aggawin mo kung makaamoy ka ng masangsang ng amoy? Pero ang problema, ikaw lang ang nakakaamoy nito?

Ito ang nangyari sa 7 taong gulang na Chinese boy.

Ayon sa ulat, kapag sinasabi umano nito sa kanyang mga magulang ang tungkol sa bad smell, hindi naman iyon nalalanghap ng mga ito.

--Ads--

Kung saan ay hindi rin naman mailarawan ng bata kung ano ang kaniyang naaamoy.

Kaya sa loob ng mahabang panahon, binabalewala na lang ng mga magulang ng bata ang kanyang hinaing. Inisip ng mga itong gawa-gawa lang ng bata na kunwari ay may nalalanghap siyang kakaiba at hindi mabango sa ilong.

Ngunit nito lamang setyembre 2024, halos araw-araw nang inirereklamo ng bata ang bad smell.

Kung kaya’t napagdesisyon na ang kanyang mga magulang na dalhin siya sa ospital.

Lumabas sa resulta ng CT scan sa bata na may nakabarang foreign object sa kanyang kaliwang nostril. Nang suriin ng doktor ang kanyang left nostril, natuklasang may maitim na bagay na nakabaon doon.

Dito na nalaman na sanhi umano ng metal screw ang infection sa ilong ng bata kaya lagi itong may naaamoy na hindi maganda. Kinausap ng mga doktor ang magulang ng bata at hiningi ang pagsang-ayon ng mga itong maoperahan ang anak.

Nagpaalala naman ang doktor na nag-opera sa kanya na ang mga bata ay karaniwang napapasukan ng kung anu-anong bagay sa ilong dahil sa pagiging curious o sa aksidente.