Isang lalaki sa Las Vegas ang nakapagtala ng record sa pinakamabilis na pag-akyat at pagbaba sa Mount Everest nang nasa bahay lamang. Paano ito?

Ginugol ni Sean Greasley ang halos 23 oras sa pag-akyat at pagbaba sa hagdan ng kanilang bahay para lamang talunin ang isang record sa Guinness World Record.

Upang magawa ito, kinailangan niyang pantayan ang taas ng Mount Everest na may 29,031 feet and 5.5 inches.

--Ads--

Gumawa rin siya ng sariling rules sa pagtatangkang ito kabilang na ang hindi paghawak sa banister o ang hawakan sa hagdan dahil aniya, wala naman ito sa Everest.

Kaniyang ipinakita ito sa kaniyang livestream sa Youtube at matagumpay niya itong natapos makalipas ang 22 hours, 57 minutes, at 2 seconds.

Ayon kay Greasley, kasabay ng kaniyang pagtatangka ay ang kagustuhan niyang makalikom ng pera para sa suicide prevention. Malapit sa kaniyang puso ang nasabing charity din naranas na niya din na magkaroon ng maraming mental problems at issues noong papatapos ang COVID-19.