Inihayag ng Foreign Ministry ng North Korea na ang mga drone ng South Korea ay nakita sa kalangitan ng Pyongyang noong Oktubre 3, 2024, Miyerkules maging noong Huwebes ngayong linggo.
Inakusahan ng ministeryo ang South Korea ng paglabag sa “sagradong” soberanya ng North Korea at pagbabanta sa seguridad nito.
Kung saan inilarawan ang mga di-umano’y paglipad bilang isang “mapanganib na probokasyon” na maaaring umakyat sa isang armadong labanan at maging digmaan.
Bukod dito ay inihayag din nila na ihahanda ng mga puwersa ng North Korea ang “lahat ng paraan ng pag-atake” na may kakayahang sirain ang katimugang bahagi ng hangganan at ang militar ng South Korea, gayundin ang pagtugon nang walang babala kung ang mga drone ng South Korea ay nakita muli sa teritoryo nito.
Nang tanungin tungkol sa mga pag-aangkin ng North Korean sa naganap na parliamentary hearing, sinabi ni South Korean Defense Minister Kim Yong-hyun sa mga mambabatas na hindi nila ginawa iyon at sinabi niya na sinusubukan pa rin niyang i-assess ang sitwasyon at hindi na nagdetalye pa.
Hindi naman malinaw kung ang tinutukoy ni Kim ay mga drone ng militar ng South Korea, o mga drone din na posibleng pinatatakbo ng mga sibilyan ng South Korea.