Ikinalungkot at ipinagluluksa ng manga at anime world ang pagpanaw ng Japanese voice actress na si Nobuyo Oyama.
Nitong biyernes (October 11, 2024), napagdesisyunan na ng pamilya ng voice actress na isapubliko ang anunsyo.
Ngunit pumanaw si Nobuyo noon pang Setyembre 29, 2024 sa edad na 90.
Ayon sa talent agency ni Nobuyo na Actors 7, dala ng katandaan ang pagpanaw ng sikat na voice actress.
Si Nobuyo ang napiling bumoses sa iconic character ng cartoon cat robot na si Doraemon na tumagal ng mahigit dalawang dekada na nagsimula noong 1979.
Hanggang noong taong 2005, nagretiro si Nobuyo sa pagbibigay-boses sa karakter ni Doraemon.
Taong 1960 naman nang magsimula ang karera ni Nobuyo bilang voice actress nang pagbosesan niya ang NHK’s puppet show na Boo Foo Woo (1960-1967).
Simula nito ay nagsunud-sunod na ang pagbibigay sa kanya ng proyekto.
Dagdag pa rito, bukod sa Doraemon at Boo Foo Woo, si Nobuyo rin ang naging boses ng karakter ni Kappei Jin sa robot anime series na Invincible Super Man Zambot 3 (1977-1978) at ni Monokuma sa video game series na Danganronpa (2010-2016).