DAGUPAN CITY – Mainam na magkaroon muna ng dayalogo sa mga stakeholders bago i-convert ang mga ni-raid na POGO hub na maging eskwelahan sakaling makuha ito ng gobyerno.

Yan ang naging sagot ni Vladimer Quetua Chairperson, Alliance of Concerned Teachers Philippines dahil tutol sila sa ganitong hakbangin bagamat ay napakasama ng experience sa nasabing lugar.

Aniya na pangit ang imahe nito at baka magkakaroon lamang ng trauma ang mga bata.

--Ads--

Ang planong pagconvert nito bilang mga eskwelahan ay hindi sagot sa kakulangan ng classroom sa bansa.

At dagdag pa niya na ang ganitong desisyon ay hindi pinag-iisipan at padalos-dalos.

Sa kabilang banda sakali mang maaprubahan ito ay tinatayang nasa 3 milyon ang magagastos bawat building, aniya ay magiging mura naman subalit mas mainam kung gagawin na lamang ito pabahay.

Dapat din aniya ay napagplanuhan talaga lalo na hindi basta basta itinatayo ang mga eskwelahan dapat ay planado ang usapin sa seguridad gayundin ang transportasyon sa nasabing lugar.