DAGUPAN CITY – Patuloy ang isinasagawang pakikipagpulong ng Department of Foreign Affairs kaugnay sa pagpapauwi sa mga na biktimang Pilipino na ginawang surrigate mothers o pinagdadalang-tao para sa anak ng iba.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Usec. Eduardo de Vega — Department of Foreign Affairs sa kabuuan ay 20 Pilipina ang nabiktima kung saan ang 7 sakanila ay buntis na.

Dahil dito aniya ay baka mahihirapan pang makauwi ang mga nagdadalang tao na subalit ang 13 iba pa ay baka makakauwi na sa mas madaling panahon.

--Ads--

Bagamat ay labag sa batas ng Cambodia ang surrogacy ay maaaring kasuhan ang mga ito.

Maaaring sabihin na nasagip ang mga ito Cambodian Police kung saan ipinagbigay alam nila ito sa embahada ng Pilipinas kaya agad itong binisita.

Napag-alaman din na ang iba rito ay 9 weeks at 26 weeks ng buntis.

Samantala, minabuti muna ni Usec de Vega na hindi muna sila papangalanan para sa confidentiality dahil hindi alam ng pamilya nila rito sa bansa ang kanilang pinagdadaanan subalit tiniyak naman nito na mabibigyan sila ng proteksiyon at nakahanda na rin ang tulong pinansiyal ng gobyerno na gagastusin para sa legal assistance sakanila.

Sa kasalukuyan ay walang humpay ang pakikipagpulong ng ambassador ng bansa sa secretary of state ng Cambodia ngunit gaya ng kaniyang sinabi hindi agad-agad ibibigay sa atin ang mga ito dahil may violation sa batas nila subalit dahil kaibigang bansa naman ang Cambodia ay baka maaaring mapag-usapan.

Paalala naman niya sa publiko lalo na sa mga nais mangibang bansa na kung hindi dadaaan sa proseso baka ilegal ito kayo wag basta sumunod at magpaniwala.