Mga kabombo! Ilang oras ang kaya mong gugulin sa pag-akyat baba sa hagdan? Kaya mo ba ang higit sa sampung oras o mas matagal pa diyan?
Ito ay matapos gugulin ng isang lalaki sa Las Vegas ang halos 23 oras sa pag-akyat at pagbaba ng hagdan sa kanyang tahanan upang basagin ang Guinness World Record para sa pinakamabilis na oras upang umakyat at bumaba sa taas ng Mount Everest sa pamamagitan ng hagdan.
Kinailangan ni Sean Greasley na umakyat at bumaba sa layo na 29,031 talampakan at 5.5 pulgada sa hagdan sa kanyang tahanan upang tumugma sa taas ng pinakamataas na bundok sa mundo.
Aba!Kakaiba din ito.
Kung saan na-livestream niya ang kanyang pagtatangka sa isang social media platform at natapos siya sa loob ng 22 oras, 57 minuto at 2 segundo.
Pagbabahagi ni Sean na napagpasyahan niyang basagin ang rekord na ito dahil walang nakagawa nito at ang kawanggawa na ito ay napakalapit sa kaniyang puso.
Idinagdag pa niya na ang ilan sa kanyang sariling mga alituntunin sa panahon ng pagtatangka na ito ay kabilang ang hindi kailanman hawakan ang banister habang nasa hagdan dahil aniya ay walang ganyan sa Everest.