Naniniwala ang grupong Bantay Bigas na kakayanin ng Pilipinas na magkaroon ng sapat ang bigas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo, spokesperson ng grupong Bantay Bigas, ito ay kung tutugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panawagan ng mga magsasaka.

Sinabi nito na deka dekada na ang problema ng mga magsasaka pero hindi sila ang prioridad ng gobyerno.

--Ads--

Mungkahi niya na dapat ang lupang sinasaka ng mga magsasaka ay hindi nacoconvert sa ibang gamit.

Isa sa kanyang nakikita ay ang nagpapatuloy na land use conversion na nagreresulta ng pagliit ng lupang natatamnan ng mga pagkain at ang kawalan ng irigasyon.

Mayroon umanonbg halos 1.5 million na hectares ng riceland na hindi naabot ng irigasyon.

Kung matatamnan lang ito ay napakalaking volume ang kayang iproduce kung dalawang beses na makapagtanim ang mga magsaskaa

Dagdag pa niya ang pagkakaloob ng subsidy sa mga magsasaka na P25 bawat magsasaka upang makatulong sa napakataas na cost of production na kailangan ng mga magsasaka para makapagtanim.

Hiniling din ni Estavillo na ibalik ang mandate ng NFA na magregulate sa presyo ng bigas at higit sa lahat bilhin ng gobyerno ang 25 percent ang locally produce at ibenta sa palengke para maabot ang P20 per kilo na pangako ng gobyerno.