BOMBO DAGUPAN – Nagsimula na ang Bureau of Internal Revenue Regional Office 1 na habulin ang mga indibidwal na nasa likod ng hoarding ng mga produktong agrikultura.

Ayon kay Atty. Ted Paragas, Chief, Regional Investigation Division-BIR RO1, marami silang namonitor dito sa Rehiyon Uno na mga cold storage facilities at warehouses na nag ho hoard ng mga agricultural products.

Aniya, ito ang dahilan kaya nagmamahal ang presyo ng mga bilihin.

--Ads--

Ang gawain ng mga ito ay iho hoard umano ang mga produkto at ibebenta sa mas mahal na presyo pag mataas na ang presyo ng mga nasabing agri products.

Dahil sa trend na ito, mas nagiging mahirap para sa mga mamimili dahil sa mataas na presyo ng mga produktong agrikultura.

Kaugnay nito, nanawagan si Paragas na kung may reklamo sa mga BIR oficials at employees ay maaaring magfile direkta sa Email website.

Maging ang mga gasoline station na hindi nag iisyu ng resibo ay maaaring idulog din sa puwede ring Ecomplaint at kanilang agad na tutugunan.

Samantala, target ng kanilang opisina na maging numero uno pagdating sa collection ng buwis.